Wednesday, February 8, 2017

14 Kilig Date Tips for P20 or less


Ilang araw na lang at Valentines Day na naman, muling mahahati sa dalawang grupo ang sangkatauhan: #TeamMayLoveLife at #TeamWalangLoveLife. Although may isang grupo pa na ang tawag ay  #TeamLumaLoveLife, "renegade group" lang din yan ng ikalawang grupo pero pagdating ng February 14 magsi-sink in din sa kanila na imahinasyon lang ang lahat at walang ganun.

Ang blog post na ito ay hindi lamang para sa may BF/GF o may asawa. Kahit mga single ay may kapupulutan dito (sana) lalo na yung mga may nililigawan at nagpapaliligaw.

Ako ang unang magsasabi ng "weh?" o "E di Wow!" sa sinumang magsasabi na "Money doesn't matter in love" kasi naman... di ko na kailangan mag-explain dahil the mere fact na binabasa mo to, sigurado akong praktikal kang tao o medyo low budget for the coming Heart's day.

Kaya simulan na natin bago pa mawala interes mo sa pagbasa nito dahil sa mapalabok na pasakalye. Skip ko na stanza II at diretso na tayo sa chorus.  Kaya dukutin na ang P20 sa pitaka at sipat-sipatin sabay kiss dahil ito ang susi mo sa mga tipid kilig dates na pwede mo nang i-try sa araw ng mga puso.

1. Mag-Sunday mass kayo. Sa Martes ang Valentines Day ngayong taon kaya expect mo na may mga hugot lines si Father about relationship sa sermon niya. Mag-reflect kayo o kaya pretend kinakasal kayo habang makaluhod. During offertory, laglag mo bente mo sa umiikot na box. Pati kay Papa Jesus may pogi points ka din.

2. Bili kayo two packs ng Cheese Ring (gawa ng Regent). Mag tagalog movie marathon kayo via Youtube. Suggestion ko classic films nila Sharon-Gabby, Marvin-Jolina o John Lloyd-Bea. Tas yun huling piraso ng Cheese Ring, i-save mo. Wait for the best movie scenes yun tipong nagkabalikan na mga bida o kaya naghahalikan na tas sabay suot mo yun cheese ring sa kanya with the cheesiest line you can think of. Hindi niya naman maintindihan yun basta kinikilig na siya.

3. Punta kayo party supplies shop and buy a pair of balloons yun may helium ha? Then go to a park. Write all your fears and shortcomings in your relationship on the balloon then make a vow that past is past and lahat ng pagkakamali nyo sa isat' isa are forgiven and you are looking forward for better days ahead sabay release ng balloon sa langit. Kanta kayo ng "Ako ay may Lobo" afterwards para cute at may konti humor yun moment.

4. Buy one order of Kwek Kwek (5 pcs for P15) tas limang pisong gulaman kahit wala nang sago in plastic with straw. Pwesto kayo sa bubong ng bahay. Subuan kayo kwek kwek. Tig-dalawa kayo. Sigurado magkakahiyaan kayo kung sino kakain ng pang-limang kwek kwek, tusukin mo agad ito at sabihin mo pikit siya at sabay say "ah" tas i-kiss mo siya and sabihin I love you sabay subo sa natitirang kwek kwek then whisper to her ear, "Ako na kakain ng extra cholesterol para mas humaba pa buhay mo."

5. Greeting cards. Kailan ka huling nagbigay ng love letter o Valentines card sa labs mo? Kala mo lang baduy o di na uso pero may mga babae at kahit na lalaki na sentimental fool na itinatago ang bawat papel na may sulat mo lalo na love messages pa galing sa iyo. Samahan mo na ng pick-up lines na bago like, "Tanga ka ba?! Bakit kasi yang gandang babae mong yan na mala-Dyosa e nahulog lang sa isang pangkaraniwang lalaking tulad ko."

6. Sa umaga ng Valentines day, madaling araw pa lang bili ka na ng pandesal sa bakery. Ask mo sa tindera baka merong pandesal na malapit ang hugis heart. Katok ka sa bahay ng mahal mo at sabihin mong sagot mo na breakfast nila for that day. Timplahan mo na din nung kape ang nanay at tatay ng syota mo para pa-impress. Kung magawa mong gawing hugis puso yung usok ng kape, try mo para lang yung sa commercial..

7. Bili ka dog/ cat food para sa pet ng mahal mo. Kung makikita niya na mahal mo ang alaga niya kahit palagi kang kinakahulan at kinakalmot, pogi points yun. Ask mo din siya kung pwede nyo paliguan alaga niya (ampanget pakinggan pero wholesome ibig kong sabihin). Tas magkakahawakan kamay nyo ng may sabon at pet shampoo... madulas at basa kayo pareho. Eh ano ngayon, nakabantay tatay e. Basta cute kayo habang basa kayo pareho, ayus na yun. Selfie na lang kayo.

8. Papalit kayo tig-lima at biritin mo sa Videoke haus yung theme songs nyo. Kahit wala sa tono sige lang. Iyak iyak ka na lang kunwari pag di mo na abot yung nota tipong emosyonal ka na. Mag-iyakan kayo, kailangan nyo yan. Praktis para pag hiwalay na kayo madali na (joke!).

9. Taya kayo sa lotto. Piliin nyo numero monthsary nyo tas birthday mo at birthday niya. Iba pang number choice options: araw ng una kayo nagkita, ilang beses na kayong nag-ano... nag-out of town. First kiss date, ilan nunal nyo combine, etc. Tas kung manalo pa kayo e di wow! Pakasal na kayo agad agad. Ginalingan nyo e.

10. Ipaglaba mo siya. Bili ka sabon, downy at clorox. Ang sweet nun habang pinipiga o ini-squeeze mo underwears niya. Praktis lang para pag totoo na diba. (Oy nakangisi parang naka-touchdown ka na ata ah). Basta ang cool lang pag pinaglaba mo mahal mo sa buhay habang kinakanta mo yung awit ng Shamrock na "Alipin."

11. Sakay kayo jeep tanong mo kay manong driver hanggang saan mararating ng P20 dun kayo ibaba. Tas lakad o takbo kayo pauwi kunwari fun run. Usap usap kayo habang pauwi about the best moments of your relationship. Walking down memory lane literaly ito.

12. Pa-load ka P20 sa cellphone yung regular ha? Text mo siya ng 19 sweet nothings. Siyempre maghihintay siya ng ika-20th kasi parang butal o bitin ang 19 diba. Punta ka na ngayon sa bahay niya at personal mong ibulong yung pinaka-sweet na 20th message mo sa kanya, "Parang tanga lang ako 'no? Ganyan ako dahil sa pagmamahal ko sa 'yo"

13. Pa-develop kayo ng best five photos nyo then i-compile nyo sa isang scrapbook at sabihin sa kanya, "Umpisa pa lang yan ng maliligayang araw natin together."

14. Diba ang love is sharing. Bili kayo tinapay o ano mang kakanin at ibigay nyo sa mga batang kalye na namamalimos. Busog na sila, busog pa ang mga puso dahil sa kabaitan nyo. Malay nyo isa sa mga batang yan ay lumaking pari na siyang magkakasal sa inyo o kaya fairy godmother pala in disguise tas bigyan kayo three wishes o kaya kutsaba pa ng Wish ko Lang, may extra reward pa kayo.

Ang mga tips na binahagi ko ay mula sa aking masusing pagiisip habang naipit sa traffic sa EDSA. Pwedeng sundin, pwede ring isabin pero aminin kahit paano ay may napulot din. Sa mga nagbasa habang sa last sentence na ito, I love you and Happy valentines!

10 comments:

mary grace marquez said...

i'd do line item#2

Aci Girl said...

dami kong smile sir :) now I know kung y ang u have a lovely wife! LAKAS!!!

Richard Mamuyac said...

@Grace... wag lang no. 2. Gawin mo lahat hehe

Richard Mamuyac said...

@Aci Girl... wala ka namang ibang ibig sabihin niyan ha? Promise? lol tnx for the comment :)

Aci Girl said...

wala sir! takot ko lang sayo :)

Vance Madrid said...

In fairness, okay ang mga valentine suggestions mo. Pasok na sa bulsa, patok pa sa puso. Ang problema ko na lang, wala naman akong significant other. Thanks for these tips!

Richard Mamuyac said...

@vance... malay mo dumating in a few days time :)

Rain De Ocampo said...

Master Richard! Magkaka-radio show ka na rin ba?! hahahaha

Gus Cabredo said...
This comment has been removed by the author.
Gus Cabredo said...

Tanga ka ba?! Bakit kasi yang gandang babae mong yan na mala-Dyosa e nahulog lang sa isang pangkaraniwang lalaking tulad ko."